Wednesday, April 06, 2005

A Little Short Short

Birthday ng husband ko kahapon, nag-dinner kami sa Bobby Rubinos (for those uninitiated, it's a good place for ribs in Singapore). Napadaan kami sa Insomia nung pauwi na kami. Ang Insomia po ay disco house na paboritong puntahan ng mga pinoy dito sa 'Gapor. Hindi ko alam kung bakit, dahil siguro kadalasan pinoy ang bandang tumutugtog dito, maraming puti, wala masyadong pana, maaliwalas ang amoy ng mga tao. Masarap mag-night out sa Chijmes, maraming choices on western food and mostly western people ang pumupunta 'dun.

Anyway, napadaan lang po kami, hindi naman kami pumasok, napasilip ako sa loob at may isang kwentong lumaro sa aking isipan. Heto at basahin n'yo.

Hada

Madilim ang paligid pero nababanaagan ko ang mga mukha na umaaligid sa aking tabi sa bawat kindat ng mga ilaw. Dama ko ang bawat lagabog ng tugtogin sa aking dibdib, kaaya-aya sa pandinig na nag-udyok sa akin na sabayan ang indayog ng mga tao sa gitna ng dance floor.

Kanina pa ako naka-upo dito, sa tabi ng barrista, unti-unti kong iniinom ang isang basong vodka na aking in-order.

Mayamaya lamang ay may lumapit sa aking lalaki. Tipong matipuno ang pangangatawan, parang si Bruce Willis na may mukhang Harrison Ford at may ilong tulad ng si Brad Pitt, in short Caucasian s'ya.

'Do you come here often?' tanong n'ya sa akin, syempre medyo malakas dahil sa ingay sa aming paligid.

'If you think thrice a week is often enough, then I guess yes,' sagot ko naman na may sabay na ngiti.

'Are you with anyone?' tanong n'ya ulit.

Luminga-linga ako, sabay kibit ng balikat ay sinabing, 'No, I came here on my own.'

Medyo napangiti s'ya, ang ganda ng kanyang mga ngipin pang-Close-up commercial. 'Would you like to dance with me, then?' sabi n'ya.

Tumango ako at tumayo sa aking kina-uupuan.

Sumayaw nga kami, okay naman ang indak n'ya, nababagay sa laki ng katawan niya. Panay naman ang indayog ko, giniling ko ng husto ang pwet ko. Napahawak nga ako sa pantalon ko na hipster – puti ito at may konting palamuti sa kanang paa – natakot kasi ako baka bumagsak. Nakakahiya! Buti na lang at naka t-back ako. Ang tube ko na labas pusod, medyo umuurong na rin sa bilis ng aking pag-galaw. Lintek naman na sapatos ito! Ang sakit na ng paa ko, pero sige pa rin ang hataw ko.

Bumalik kami sa bar nung mapagod s’ya. Ibinili n'ya ako ng bagong drinks. Kwento ng konti kung ano trabaho n'ya dito sa Singapore, tapos sayaw ulit kami.

Lumalalim na ang gabi, alam ko 'yon dahil hindi ko kinalilimutang magnakaw ng tingin sa aking relos. Lumapit s'ya sa akin ng konti at bumulong.

Sinagot ko lang siya ng ngiti at sabay tungo ng aking ulo. Kinawayan ko yung isa kong kaibigang babae sa dulo ng bar at hinawakan ko ang kamay ni pogi at inakay siya palabas ng bar.

Habang pasakay na ako sa kotse n'ya napag-isip-isp ko, ang kikitain ko ngayong gabi ay sapat na para sa susunod kong trip sa Tiger Airways dito sa Singapore. Salamat at may maiuuwi na naman akong pang-tuition ng kaisa-isa kong anak at may pang-gastos na naman ang walanghiya kong asawa.

Buti na lang at nakita ko itong si pogi, akala ko ay zero ako ngayong gabi.

Marami akong nakikitang pinay na ganito dito sa Singapore. Malungkot mang isipin, pero ganyan talaga ang buhay, may mga taong hanggang ganun lang ang pananaw sa sarili. Whore in my country? Might as well whore myself away in a foreign land, where no one knows me.
Ayan, nag-Tagalog na po ako. Okay ba? Obvious ba na hindi ako masyado fluent sa mother-tongue ko?

No comments: