Monday, April 11, 2005

Hating and Seething

Bloody hell! I'm here at the office on a Sunday afternoon in the sweltering heat of an un-airconditioned floor, doing the project implementation from HELL! I am fuming mad and tiredly irritated. Friday night I had already stayed up late until almost midnight , the following day, I went back to the office and stayed there from 2pm until almost 8 pm.

BWAKANGINANGYAN! Naiinis na talaga ako sa amo kong saksakan ng bobo. I can't seem to find the excuse kung bakit nabubuhay pa s'ya sa mundong ito. Hindi ko rin alam kung dahil saksakan s'ya ng tamad o wala lang talagang kayang pumasok na ano mang impormasyon sa kukute (thick head) n'ya.

By the way, programmer po pala ako (sa mga hindi nakaka-alam) dito sa isang malaking banko sa Singapore, na hindi ko alam ang dahilan kung bakit kinuha itong aking bobsing amo bilang empleyado nila. Magaling lang mag-salita, ma-boka ika nga. Parang politician, magaling mag-sales talk, wala namang alam. Nasabi ko na bang bobo s'ya?

Dumating ako sa opisina alas-nueve bente, alam kong dumating s'ya eksanto alas-nueve kasi yun ang naka-sulat sa logbook ng guard. Binuksan ko ang email ko at nakitang may sulat mula sa operator na may error sa implementation namin, pinadala ang sulat alas-otso trenta, in short pagdating ni bobong amo, nakita n'ya agad yung email na yun. Aba! Simula nung dumating s'ya hanggang pagbasa ko ng kopya ng email, hindi pa rin n'ya alam and dahilan ng error!

Que barbaridad! Twenty-five minutes na s'yang nakatunga-nga sa monitor n'ya, page-up ang page-down sa joblog ng operator, hindi pa rin nakita ang dahilan kung bakit walang objects na na-restore. Isang check sa save-file at sa joblog ay nakita ko agad (hindi naman ako nagyayabang, kita agad yun ng kung sino man, bukod syempre sa amo ko). So walang authority, tinanong ako ano daw dapat ang gawin – obvious ba? Eh 'di humingi ng authority. Eh bakit, tanong n'ya, bakit nagkaganun? Anong naging dahilan – ewan ko. Pinagbigyan ko at hinanap ang maaring naging dahilan, pero hindi ko makita ang magical thing na nangyari. Sa kaka-utos n'ya sa operator ng kung anu-ano, may napindot tuloy itong operator, pag-hindi rin ba naman TAN-G.A., ibang option ang ginawa at nabura ang save-file. Sus ginoo! Halos pakiramdam ko gumunaw ang mundo. Yung save-file na yun ay pinadala from development machine to production machine for five hours! Opo, limang agonizing hours. Ibig sabaw-sabihin, kailangan naming ulitin yun.

Pero ito pa ring bobo kong amo ang tagal magdesisyon, wala yatang bayag, inabot ng alas-dose hindi n'ya pa rin alam kung ano ang gagawin. Heniway, nagawan ng pamamaraan na maipadala yung save-file sa mabilis na way. Restore ulit kami, pero ngayon na ayos na ang authority, eto na naman… meron na naman daw objects na hindi na-restore… Sus! Gusto ko na talagang mag-walk-out. Paliwanag na naman si ako kung bakit… ang tagal, ang tagal bago rumehistro sa kakapurit na kukute n'ya.

Eto ako ngayon, alas-nueve na ng gabi, wala pa ring nagyayari. Gawa ng request, takbo paroon at parito para mag-submit ng request. Hintay na lang ulit... ewan ko na lang kung may lakas pa ako mamaya para mag-check kung successful nga ang implementation. Pero para sa aking over-all appraisal, hinde - hinde s'ya successful - dahil dapat walang sabit na kung ano man para ma-consider s'ya as a success.

==Update==
It’s 1:30 in the morning, sana matapos na itong parusang ito… we're just checking and confirming that all the objects went right. Ayoko na! Suko na ako! Kailangan pa naming bumalik Monday morning ng maaga sa office for the connectivity testing.

==Another update== We went home at 2:30. I'm dog-gone tired.

3 comments:

Anonymous said...

Thank you!
[url=http://bqwytdie.com/xqap/xzkf.html]My homepage[/url] | [url=http://uqctrzcf.com/bgpf/kslf.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Nice site!
My homepage | Please visit

Anonymous said...

Great work!
http://bqwytdie.com/xqap/xzkf.html | http://qnqbquvx.com/hvfu/oapp.html